Ang Comeback ng The Bloomfields

Ang bandang ‘The Bloomfields’ ay isang self-produced Pinoy Band na inimpluwensyahan ng 1960s. Nagsimula ang grupo sa kanilang Alma Mater na La Salle Green Hills noong sila’y 3rd year high school pa lamang. Nagsimula ang grupo sa pangunguna ni JayJay Loza. Ang ‘The Bloomfields’ ay nagsimula ng may limang miyembro na sina Rocky Collado, Lakan Hila, Louie Poco, Jayjay Lozano, at Pepe Lozano. Ngunit sa taong 2009, umalis sa grupo sina Jayjay at Pepe Lozano. Noong taong ding ‘yon, sumali sa grupo si Dino Pascual. Sumikat ang grupong ‘The Bloomfields’ dahil sa patok nilang kanta na “Wala Nang Iba”, “Ale”, at “Babaero”.

Ang self-producing band ay sumusuporta sa Senyas Kamay, isang organisasyon na tumutulong sa mga taong may problema sa pandinig.

May bago silang album na pinamagatang A Drop Into The Blue” na naglalaman ng 12 na kantang sila mismo ang sumulat. Noong March 22, 2019, naging bahagi sila ng “Ben Sherman with an Acoustic Set” na ginanap sa SM Mall of Asia. March 23, 2019, umattend sila ng isang crowd funding event sa BGC Towers, Taguig City. March 27,2019, kasama ang ibang pang mga banda ng Red Ninja Productions sa ROUTE 196, Katipunan. Noong April 6, 2019, nagkaroon sila ng gig sa 70s Bistro Bar. At tuwing biyernes, napapanood sila sa Alchemy Bar, Makati.

Panuorin ang challenge video ng The Bloomfields kung saan tinanggap nila ang hamon ng Win Radio na “Guess the Song Title Challenge (OPM Edition)”:

Menu